2022 Mga Kinalabasan ng OTW Halalan

Nais pasalamatan ng Komite ng Halalan ang lahat ng mga kandidato para sa kanilang pagsusumikap sa halalan ngayong taon. Kaya, ikinagagalak naming ibahagi sa inyo ang kinalabasan ng halalan para sa taong 2022.

Opisyal na nahalal ang mga sumusunod na kandidato (na nasa alpabetikal na pagkakaayos) sa Lupon ng mga Tagapangasiwa:

  • Heather McGuire
  • Natalia Gruber
  • Gaya ng nakaraang abiso, malungkot na inaanunsyo ng Lupon ng mga Tagapangasiwa na ang direktor na si E. Anna Szegedi, na siyang inihalal noong 2021, ay bababa na sa kanyang posisyon sa Lupon bago ang halalan ng 2022. Malugod naming tinatanaw ang serbisyong inihandog ni E. Anna Szegedi at nagpapasalamat kami sa kanyang gawa at dedikasyon.

    Para punan ang nabakenteng posisyon, ang kandidatong nakakuha ng ikatlong pinakamaraming boto sa eleksyong ito, Michelle Schroeder, ay nahalal na sumama sa Lupon ng mga Tagapangasiwa at magsilbi sa nalalabing termino ni E. Anna Szegedi (dalawang taon) simula sa ika-1 ng Oktubre. Sa ganitong paraan, nasisigurong patuloy tayong magkakaroon ng isang buong Lupon hanggang sa susunod na halalan.

    Pormal na magsisimula ang paglilipat ng tungkulin sa mga bagong miyembro ng Lupon sa ika-1 ng Oktubre. Hangad namin ang kanilang matagumpay na panunungkulan.

    Dito nagtatapos ang panahon ng halalan. Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi sa pamamagitan ng pagbabahagi ng balita, pagtatanong sa mga kandidato at, siyempre, sa pagboto! Umaasa kami sa inyong muling pakikibahagi sa susunod na taon.


    Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.

    Announcement

    Comments are closed.