Lupon ng Pangangasiwa

Ang OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) ay pinapatakbo para sa mga tagahanga ng mga tagahanga. Ang mga tagapangasiwa ng Lupon ng OTW ay aktibo sa fandom, katulad ng iba pang mga tao na nanunungkulan sa mga komite at nagtatrabaho bilang boluntaryo.

Lupon ng Pangangasiwa (2018)

Ang unang fannish na pagkahumaling ni Claire P. Baker’s ay ang Joseph and the Amazing Technicolour Dreamcoat, na kaniyang sinaulo sa edad na apat. Ngunit Digimon ang kaniyang naging daan para sa mas malaking mundo ng fandom. Sa pamamagitan nito ay nadiskobre niya ang mga fansites, fanfiction, at cosplay; at ang mga sumunod, ika nga nila, ay kasaysayan na. Naging malaking bahagi ng akademikong kareka ni Claire ang fandom, bakas ito sa mga papel na isinulat niya habang kinukuha niya ang kaniyang tatlong digri (B.A., B.Ed., M.I.), at nananatili bilang isang pangunahing interes sa pagsasaliksik hanggang sa ngayon. Nagsimulang magboluntaryo si Claire sa OTW noong 2014, at naging kapwa-tagapangulo ng Dokumentasyon para sa AO3 makalipas ang isang taon. Mula noon, siya ay sumali na rin sa TWC at Tag Wrangling. Sa kaniyang bakanteng oras, makikita si Claire na nagbebeta ng fanfiction, nagpapatakbo ng iba’t ibang palian ng regalo sa AO3, at inihahanda ang isang hukbo ng mga cosplayer at mga panel para sa kaniyang susunod na kombensyon.

Unang natuklasan ni Matty Bowers ang fandom noong Mayo ng 1998; gayunman, siya ay hindi ganap na napabilang hanggang 2001. Ang kanyang mga naunang fandom ay Highlander at Buffy, gayunman siya ay napasali na rin sa iba’t iba pang mga fandom. Sa kasalukuyan, siya ay isang ganap na tagahanga ng fandom; siya ay magbabasa ng kahit anong mahabang katha sa anumang fandom! Si Matty ay karaniwan na nagtatago noong mga unang taon, ngunit sa huli ay nagsimula siyang mag-ambag sa proyekto ng mga tagahanga, tulad ng mga newsletter at komunidad para sa mga rec. Siya ay nabighani at naintriga noong una niyang narinig ang tungkol sa ideya ng pagbubuo ng isang lugar kung saan ang fandom ang nagmamay-ari ng mga server, at sumali sa OTW bilang isang Tag Wrangler noong nagkaroon ng tawag para sa mga boluntaryo noong 2009. Simula noon, siya ay nagtrabaho sa Komite ng Tulong, Dokumentasyon para sa AO3, at Konseho Laban sa Pang-aabuso. Si Matty ay nagtapos ng pag-aaral na may digri sa Edukasyon at nagturo ng higit sa sampung taon bago lumipat ng trabaho sa larangan ng teknolohiya. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang manedyer para sa isang lokal na negosyo, at sa kanyang mga bakanteng oras ay nagtatrabaho bilang tech support para sa kanyang mga kaibigan at kapamilya.

Si Kristina Busse ay isa sa mga tagapagtatag at kapatnugot ng Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura), ang pang-akademyang pahayagan ng OTW, at walong taon na siyang nagtatrabaho para sa OTW. Siya ay kapatnugot sa ilang mga pang-akademyang libro ukol sa fan fiction at sa kultura ng mga tagahanga, at nagpapatuloy siyang maglathala sa larangang ito. Kabilang sa kaniyang mga libro ay ang Framing Fan Fiction (2017), maging ang mga koleksiyon ng sanaysay na kaniyang kapwa-pinatnugutan na Fan Fiction and Fan Communities in the Age of the Internet, Sherlock and Transmedia Fandom, The Fan Fiction Studies Reader. Lahat rin ng mga nalikom galing sa mga mambabasa nito ay napupunta sa OTW. Nakilahok si Kristina sa organisadong fandom bilang isang Buffy/Angel shipper sa huling taon ng dekada nobenta, at ngayo’y nasa mas marami pang mga fandom higit pa sa gusto niyang aminin, at sa sandaling ito ay mayroong pagkahumaling para sa Dragon Age, MCU, at Vorkosigan. Mayroon siyang PhD sa Ingles galing sa Unibersidad ng Tulane, at nagtuturo sa Kagawaran ng Pilosopiya at sa Kagawaran ng Aralin ukol sa Kasarian sa Unibersidad ng Timog Alabama. Lahat ay kanyang itinuturo, mula lohika at mitolohiya hanggang sa aralin ukol sa mga tagahanga at kasaysayang LGBT. Si Kristina ay nailipat na Aleman, nakatira sa timog Estados Unidos kasama ng kanyang pamilyang mga tabletop role-playing na mga manlalaro.

Si Jessie Camboulives ay nagtapos mula sa Sorbonne Law School, at kasalukuyang tinatapos ang kaniyang LL.M. sa Dihital ng Batas. Nadiskobre niya ang fandom noong 2007 sa pamamagitan ng Harry Potter fanfiction, ngunit mula noon ay naging mangangalap na siya ng fandom, ang kaniyang kasalukuyang pagkahumaling bilang Overwatch at Yuri!!! On Ice. Sumapi si Jessie sa OTW (Organisasyon Para sa Ibahing Katha) bilang isang boluntaryong tagasalin sa wikang Pranses noong 2015, matapos niyang masumpungan ang isang pambalitang paskil ng Ligal. Ngayon siya ay nagsisilbing isang tag wrangler at kawani ng Suporta, kung saan sinisiguro niyang ang mga tagagamit ng Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay magkakaroon ng pinakamahusay na karanasan sa site.

Si Priscilla Del Cima ay mayroong digri sa Batas at may MBA sa Pamamahala ng Proyekto. Una siyang sumali sa OTW noong 2009 at nagtrabaho na sa iba’t ibang komite simula noon, kabilang ang Pagsulong at Kaaniban, Dokumentasyon para sa AO3, at Wiki. Naitatag siya bilang Tagapangulo ng Komite ng Pagsasalin noong 2013, noong inayos niyang muli ang istraktura ng komite, at sa kasulukuyan naman ay muling itinatatag ang pangkat ng Pananalapi.

Natanggap ni Atiya Hakeem ang kanyang digri sa kolehiyo sa larangan ng aghambuhay mula sa California Institute of Technology, at ang kanyang PhD sa biomedical na agham mula sa Unibersidad ng Hawaii. Pagkatapos niyang magtrabaho ng maraming taon sa Caltech bilang isang neurobiologist na pinag-aaralan ang autism at social cognition, siya ay kamakailan lamang bumalik sa Hawaii, at ngayo’y umiistambay kasama ang mga aardvark bilang isang boluntaryo sa Honolulu Zoo. Palagi niyang ginagamit ang fandom upang ipahayag ang kaniyang pagkamalikhain, at kabilang sa mga interes niya ang Star Trek, baseball, ang edad ng paglalayag, Hawaii Five-O, at anime, na nagbigay-daan sa paglilingkod bilang kawani ng komperensiya sa Anime Expo at AX New York. Sumali siya sa OTW bilang isang boluntaryo ng AO3 Tulong noong 2012 at mula noon ay tumugon ng halos 5,000 na katanungan ng mga tagagamit. Na-udyok dahil sa pagnanais na maging direktang kasangkot sa pagpapanatili sa pagtakbo ng AO3, sumali siya sa komite ng AD&T (ang komite para sa pagpoprograma at disenyo ng AO3) bilang isang tester, at sa ngayon ay ang puno ng subkomite ng Panunubok at Paniniyak ng Kalidad. Naglingkod rin siya sa gawaing grupo ng Pagbabago ng Kategoriya at Pagsisiyasat.

Nagsimula ang paggalugad ni Danielle Strong sa mundo ng fandom noong 90s sa Gundam Wing slash na katha at hangang-sining. Makalipas ang dalawang dekada at napakaraming mga fandom, siya ay nanahan na sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa mga fandom ng Supernatural at Marvel Cinematic Universe, bukod pa sa iba. Noong nagbukas ang pangangalap para sa bagong mga kasapi ng pangkat ng Pang-Aabuso noong simula ng 2014, alam niyang magiging mabuting angkop ang kaniyang kasanayan sa serbisyong pakikipag-ugnayan sa mga pasyente ng ospital, pangangasiwa ng mga reklamo at mga katanungang serbisyo-tagagamit para sa pangkat, at matapos siyang sumapi ay hindi na siya muling lumingon pa. Bilang kawani ng Pang-Aabuso, humawak si Danielle ng mga kaso mula sa di-sinasadyang maling pagkaka-tag ng mga gawain hanggang sa plahiyo at panliligalig, at malamang sa ngayo’y kaya na niyang banggitin ang Palatuntunan ng Serbisyo ng AO3 mula sa kaniyang alaala lamang! Nagdadala siya sa pangkat ng masaganang kaalaman sa pakikimagitan at pagtugon sa suliranin, at ganap na dedikado sa OTW (Organisasyon Para sa Ibahing Katha) at sa gawain nito.

 

Mga Opisyal na Hindi Direktor

Yuechiang Luo (Ingat-yaman)
 

Mga Dating Direktor

2015

  • Eylul Dogruel
  • Soledad Griffin
  • Andrea Horbinski
  • M.J. MacRae
  • Cat Meier
  • Jessica Steiner

2014

  • Franzeska Dickson
  • Anna Genoese
  • Nikisha Sanders

2013

  • Julia Beck
  • Maia Bobrowicz
  • Ira Gladkova
  • Kristen Murphy

2012

  • Francesca Coppa, PhD
  • Naomi Novik
  • Jenny Scott-Thompson

2011

  • Rachel Barenblat
  • Hele Braunstein
  • Sheila Lane
  • Allison Morris

2010

  • Naomi Novik
  • Rebecca Tushnet, JD
  • Elizabeth Yalkut

2009

  • KellyAnn Bessa
  • Susan Gibel, JD

2008

  • Cathy Cupitt, DCA
  • Michele Tepper, PhD

 

Magbasa tungkol sa mga naunang mga Direktor rito.

Magbasa tungkol sa mga kasalukuyang komite dito.