Celebrating OTW's 10 Years of History

25 Bagay na Dapat Malaman Tungkol sa OTW

Marami sa inyo ay marahil baguhan sa OTW (Organisasyon para sa Ibahing Katha) habang ang ilan sa inyo ay sinusubaybayan ang aming progreso mula pa ng inilunsad namin ito noong 2007. Gayunpaman, umaasa kaming mayroon kayong mga bagong natutuklasan tungkol sa amin ngayong buwan na ito. Dahil malayo-layo pa ang susunod naming malaking anibersaryo, narito ang 25 bagay tungkol sa aming organisasyon na maaari mong malaman ngayon na!

  1. Ang aming pangkat na Legal Advocacy (Batasang Pagtataguyod) ang unang proyekto ng OTW na inilunsad bilang sila ang nagtrabaho upang ingkorporahin kami bilang isang organisasyong di-pangkalakal noong 2007. Inilunsad ang website ng OTW at ipinaskil ang unang pahayagang palihan ng OTW noong ika-11 ng Disyembre, 2007.
  2. Isa sa mga pinaka-unang donasyon sa OTW ay nagmula kay Cory Doctorow noong Agosto 2007, na isinulat noong Disyembre: “Ito’y isang magandang ideya. Noong inilarawan ito ni Naomi [Novik, co-founder ng OTW] sa WorldCon sa isang panel na magkasama kami, sinulatan ko agad siya ng isang $500 na cheke upang pondohan ang org. Inaasahan kong ipapa-cash na niya iyon ngayong pormal na silang naanunsyo.”
  3. Ang aming mga talaan ng mga boluntaryo ay mula pa noong 2007. Mayroon kaming 6 na mga boluntaryong nagtatrabaho sa OTW simula noon.
  4. Ang aming pinakaunang kampanya para sa pagiging miyembro ay ginanap mula sa ika-1 hanggang ika-18 ng Marso 2008. Nakalikom kami ng $11,142 mula sa 396 na mga donasyon. Ang kampanyang ito ay inanunsyo gamit ang LOLcats.
  5. Nakumpleto ang unang code para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) noong ika-25 ng Marso 2008
  6. Ang isa sa mga pinakaunang balita tungkol sa OTW sa mga pahayagan ay noong Agosto 2008 tungkol sa kasaysayan ng vidding.
  7. Ang pinakamahabang proyekto ng pangkat ng Batasang Pagtataguyod ay ang patuloy na pagpapanatili sa mga di-pagsaklaw para sa mga manlilikha ng hangang-video upang mabali ang proteksyon sa pagsipi ng mga gamit nilang biswal na nilalaman. Sila ay unang nagsumite ng mga dokumento para dito noong Desyembre 2008, at patuloy na nagpepetisyon para sa mga iksemsyon na ito bawat tatlong taon, at nagkamit ng mga mainam na desisyon para sa ating pabor noong 2009, 2012, at 2015. Sila ay kasalukuyang naghahanda sa susunod na petisyon sa 2018. (Narito ang isang paraan upang sabihin sa U.S. Congress na gawing permanente ang mga desisyong ito!)
  8. Ang karamihan sa mga pinakamatandang pahina sa Fanlore ay tungkol sa indibidwal na mga tagahanga. Ang pinakamatandang pahina para sa isang fandom ay Die Hard na nilikha noon ika-4 ng Agosto 2008.
  9. Ang mga proyekto ng OTW ay inilunsad sa loob ng 9 na buwan: Transformative Works and Cultures – TWC (Ibahing Katha at Kultura) noong ika-15 ng Setyembre 2008, Fanlore noong ika-29 ng Setyembre 2008, AO3 (sa limited beta) noong ika-3 ng Oktubre 2008, at ang Vidding History Project noong ika-16 ng Pebrero 2009. Inanunsyo ng Open Doors ang kanilang Fan Culture Preservation Project (Proyekto para sa Pangangalaga ng Kultura ng mga Tagahanga) noong ika-18 ng Hunyo 2009 kasama ang donasyong koleksyon ng higit na 3,000 na mga fanzine.
  10. Angpinakaunang Halalan para sa Lupon ng Pangangasiwa ng AO3 ay noong Oktubre 2009.
  11. Ito ang unang silip sa mga server ng AO3 mga ilang buwan bago ang public beta noong Nobyembre 2009.
  12. Marami sa aming mga boluntaryo ay nagsilbi para sa dalawa o higit pa na magkaibang posisyon, kundi man magkasabay ay magkasunod. Ang ilan ay gustong-gusto ang sari-saring mga posisyon! 8 sa kanila ay nagsilbi sa 5 o higit pa na mga komite mula pa noong sila’y nag-umpisang magboluntaryo.
  13. Ang katampatang donasyon na natanggap ng OTW noong pinakahuling kampanya para sa pagiging miyembro ay $25.90. $25 ay nanatili pa ring katampatang donasyon mula noon pang pinakaunang kampanya.
  14. Ang pangunahing pahina ng AO3 ay may ilang pagbabagong disenyo. Ang pinakauna ay noong ika-7 ng Nobyembre 2009. Ang pinakahuli ay noong ika-25 ng Pebrero noong idinagdag ang tampok na Paboritong mga Tag.
  15. Nagkaroon ng sarili nilang website ang Open Doors noong ika-16 ng May 2011 at sinimulan ang pag-aangkat ng mga sisidlan sa AO3 noong handa na ang kanilang import tool noong ika-26 ng Pebrero 2012. Ang pinakaunang sisidlan na kanilang inangkat ay ang Smallville Slash Archive.
  16. Ang pamantayang pahina sa Fanlore ay na-edit ng 5.34 beses. Ang pinakabinagong pahina ay ang Proposed Zines. Pang-apat sa listahan ay ang Blanket Permission to Podfic, na siya ring pinakamahabang pahina sa Fanlore.
  17. Ang aming komite ng Batasan ay nag-aalok ng payo para sa mga tagahanga, karaniwang isa sa isa, pero pampubliko rin ukol sa mga malawakang alalahanin. Ang pinakaunang paskil na ganitong uri ay tungkol sa isang timpalak na ginanap sa San Diego Comic Con at iba pang mga pang-tagahangang pangyayari noong Hulyo 2012.
  18. Alam ng ilan na ang ika-15 na Pebrero na petsa para sa International Fanworks Day ay konektado sa petsa noong lumagpas ng 1 milyong hangang-katha ang AO3. Ang marahil na hindi alam ay ito rin ang araw na lumagpas ng 500,000 na mga edit ang Fanlore at sa buwan rin iyon na ang pinakaunang librong sinuportahan ng OTW ay nalathala ng mga patnugot ng TWC, kaya Pebrero 2014 ay isa sa aming mga pinaka-makabuluhang petsa.
  19. Maliban sa maraming mga milyahe para sa mga user account, fandom, at hangang-katha, minarkahan rin ng AO3 noong Abril 2015 nang ang mga server nito ay inilipat sa sarili nilang rack sa pasilidad ng mga server.
  20. Nakatanggap kami ng mga donasyon mula sa higit na 70 bansa sa karamihan ng mga kampanya para sa pagiging miyembro. Noong Abril 2017, ang nangungunang 10 bansa kung taga-saan ang mga donante ay ang U.S., U.K., Canada, Germany, Australia, France, Netherlands, Italy, Sweden, at Finland.
  21. Noong buwan ng Hulyo 2017 nagkaroon kami ng higit sa 11 milyong mga magkakaibang IP address na ginagamit ang AO3, at ang ipinapakita namin sa kanila ay 17,000 na mga pahina kada minuto. Pero bawat araw ay nagpapadala ng higit sa kalahating milyon na mga email, o halos 16 milyong mga email kada buwan sa kanilang higit na 1 milyong rehistradong tagagamit.
  22. Kabilang sa “About Fandom” Playlist ng OTW ay mga panayam at pagtatanghal ng mga nagtatrabaho sa OTW. Ito’y isang kapaki-pakinabang na tagapagpaliwanag sa inyong mga kaibigan o kapwang mga tagahanga!
  23. Paminsan-minsan ay magkakaroon ng mga chat parties ang mga tag wrangler ng AO3 upang libangin ang isa’t isa habang nagtatrabaho. Noong Hulyo 2017, nag-wrangle sila ng halos 610,000 na tags sa isang buwan.
  24. Inaayos ng OTW ang trabaho sa pamamagitan ng mga komite at maraming pagbabago ang nangyari dito sa paglipas ng mga taon. Inuulat ng komite ng mga Boluntaryo at Pangagagalap na ang pinakamalaking komite ay ang Tag Wrangling, na may 304 katao, at ang pinakamaliit na komite ay ang komite ng Sistema, na mayroon lamang 7 katao. Pangkalahatan ay mayroon kaming mahigit pa sa 600 na boluntaryo sa 22 mga timezone.
  25. Ang TWC ay mayroong 10 pangkalahatang isyu at 15 isyu na may espesyal na paksa, at ang kanilang mga artikulo ay daan-daang beses na nasipi sa nakalipas na dekada. Nailathala rin nila ang ika-25 ngayong buwan.

Ang balitang ito ay isinalin ng mga boluntaryong tagasalin ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa aming gawain, maanong tumungo sa pahina para sa Pagsasalin sa transformativeworks.org.